Ayon kay Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev, itinuturing nilang magiging isang malaking hakbang sa kasaysayan ng bilateral relationship ng dalawang bansa ang biyaheng ito ng Pangulo.
Kabilang umano sa posibleng tatalakayin nina Pangulong Duterte at ang Russian President na si Vladimir Putin ay ang usapin ng seguridad at depensa.
Sensitibo umano ang Russia pagdating sa usapin ng soberanya kung kaya't mahalaga para sa kanila na walang third party na makikialam sa relasyon ng Pilipinas at ng Russia.
Mataas din umano ang respeto ni President Putin sa ating Pangulong Duterte.
Panoorin po ang video sa ibaba:
No comments:
Post a Comment